ABOUT US

JERRY MOBILE PIGS (JMP) and PARTNERS
Ang JERRY MOBILE PIGS (JMP) and PARTNERS ay isang

uri ng non government livelihood project na nagbibigay ng libre na biik (piglets) sa pamilya ng OFW abroad na nakatira sa Probinsiya ng Luzon at Visayas. Ang layunin ay tutulong sa mga kababayang Pilipino na magkaroon ng maliit na kabuhayan sa pamamagitan ng pagpapa-aalaga ng 1 or 2 babaeng biik.

Sa interesadong pamilya ng OFW's na may kulungan ng baboy sa Pilipinas (backyard piggery) ay
magbibigay po ang JMP and Partners ng 1 or 2 babae na biik sa kanila at ito ay kanilang aalagaan hanggang sa maging inahin baboy at manganganak mga ito.Ang nag aalaga ang bibili ng feeds, vitamins at pa bakuna sa alaga niyang biik hanggang maging inahin baboy.

Ang nag aalaga rin ang bibili ng artificial insemination o bahala na mag pakasta sa lumalanding dumalagang baboy niya. Pagka panganak ng inahing baboy ang JMP and Partners ay kukuha
lamang po ng isang biik na babae pagkawalay sa inahin.

Ang maging parte ng JMP and Partners ay kanyang ipapaalaga ulit sa interesadong kapitbahay ng nag aalaga o kamag anak nito na nakatira sa probinsiya at kaibigan na interesado sa pag aalaga rin ng baboy. Ang sobrang biik na anak ng inahing baboy ay mapapunta na lahat sa nag aalaga o bilhin
ng JMP and Partners depende sa mapag usapan.

 Ganun din kung manganak uli ang inahing baboy, kukuha na naman ang JMP and Partners ng isang biik na babae pag mawalay sa inahing baboy at ang sobra ay mapapunta na naman sa nag aalaga ng inahing baboy. Itong proseso na ito ng partehan ay paulit ulit na mangyari hanggang sa 5 beses
hanggang 7 beses na manganak ang inahing baboy.

 Ngayon, kung ayaw ng manganak ang inahing baboy sa kada-hilanang matanda na ito at wala ng kakayanan na magbuntis,ang JMP and Partners at ang nag aalaga ay magpasya ng katayin
nalang ang baboy pagkatapos itong maging mataba muna. Ang kalahati na karne nito ay mapapunta sa JMP and Partners at ang kalahati naman ay para sa Nag aalaga nito.

Ganun lang po kasimple ang Usapan!!! Maraming Salamat po.
God Bless Us...


Ang requirements:
submit 2 (front and side view) picture

ng backyard piggery po ninyo at ibigay ang sukat.Para sa karagdagang tanong ay makipag ugnayan lang po kayo sa Jerry Mobile Pigs and Partners...